Thursday, September 30, 2010

Ethnocentricity

All the best hurrays for September and Music.

Talagang puno ng music ang buwan ng September kahit na nga ang August and seat of music of every year, hindi maipagkakaila na lahat ng releases noong August ay ngayon sumikat. Bukod sa mga releases mas nagtuon ng pansin ang mga musician sa performances.

For this month pa lang hindi na mabilang ang mga concerts na naganap plus the UAAP cheering squad competition sa Araneta last September 12. Napakaganda ng music created by the cheerers coming from different universities. Isa lang yan, may classical pa.

The Philippine Philharmonic Orchestra on its 28th season, initiated the orchestra festival na naganap last week lang from 22-25. Ang galing talaga at nagconcert din sila noong September 10. Ang festival ay dinaluhan ng mga piling orchestra sa Pilipinas.

Ang Chamber Choir of Asia, nagkaroon sa San beda ng grand launching noon ring Saturday, September 25 as a welcome gift na rin kay Vyatautas Miskinis na nagbigay ng lecture here in Manila last Sunday [26].

Mapalad ang inyong lingkod sapagkat nadaluhan ko ang dalawa sa mga concerts na inorganize naman ng Asian Institute for Liturgical Music. Una noong September 27 [Monday]. Ang nagcocnert ay walang iba kung hindi ang Chamber Choir of Asia sa pangunguna mismo ni John August Pamintuan at Jonathan Velasco. Yes, for the first time nakita ko rin si John Pamintuan at nagconduct pa ng sarili niyang mga compositions. Hindi ako maka getover sa "Oremus" ang galing talaga ng SSAA arrangement niya. Ang ganda rin naman ng Ama Namen although kasi matagal ko na narinig dfi gaya ng Oremus na ngayon ko lang narinig ng live.

Sept 28, Tuesday, slot naman ng Novo Concertante Manila. Heto talaga ang pasabog. Handang handa ang Novo para paindakin, pahangain at pakilabutin lahat ng nanood. Ang galing talaga grabe! Ang galing Pinoy! Si Sri Arwin parang hindi nauubusan ng bagong ipapakita tuwing may concert. Kung puwede nga na lahat ng concert nila mapanuod ko. Sobra talaga ang galing ng Novo. Naklagay nga sa FACEBOOK shout out ko

There is no doubt that Novo Concertante Manila is the most promising choir ofthe next decade. After their AILM Concert last night, I can convincedly say this. I may have my own vocal ensemble one day but I can never outshine the radiance and vibrancy of Novo. They are eternally my favorite chorus second to none. :D

Ang namamayagpag na career ni Charice ay lalong tumingkad ngayong buwan. Sa pilot episode pa lang ng palabas na Glee, humakot na ng katakut takot na comments si Charice mula sa global community. Hindi maubusan ng papuri kay Charice. Isa pang Filipino ang sobrang sumisikat sa buong mundo ngayon, si Bruno Mars. Grabe naman kasi ang kanta niyang "Just the Way you Are" at pati an rin ang boses niya na ibang iba ang quality from otehr RNB and soul singers abroad.

Patuloy na humuhusay ang Pinoy sa larangan ng musika at pang world class talaga ang bawat mga concert artists natin. Isang patunay na dapat magpatuloy ang dangal ng Filipino here and out of the country kahit marami na sionasabi tungkol sa Pinas. Sa Newsweek article na "New World Order" kabilang ang Pilipinas sa nahuhuling bansa at nasa category number 18. Usapin pa rin abroad ang nangyari noong August 23 pero kapag narinig mo ang mga balitang gaya nung kila Charice at mga choral na nananalo sa mga world competition. Can't help but be proud.

No comments:

Post a Comment