Saturday, September 11, 2010

Hemisphere

I don't know... this Saturday is just fine but there is soem lingering thoughts for tomorrow. Bukas birthday na ni Bryan. What exactly do I want to happen for tomorrow seven years ago? Siyempre hindi ito. I think bored ako... or maybe wala talagang bagay na dapat ika-excite?

Sige, thinking of tomorrow kasi tomorrow will define one of the biggest milestone that could possibly happen to my life. Or siguro nga dahil may nabreak akong promise sa araw na ito. Hindi ko sinipot si Sir Alvin Tan sa Ateneo when I did promise him that I will come. I have all the reasons to go pero dahil sa umulan kaninang umaga, may sakit si Mama at kukulangin ang budget for until tomorrow, hindi na ako tumuloy. All I can think of is babawi ako.

It doesn't sound promising kasi yun din ang sinabi ko sa sarili ko at kay Bryan noon seven years ago and now ganoon pa rin. Entering college and getting a double degree doesn't guarantee a great future. Now I fully understand na may gusto talaga akong gawin at dapat na tuparin before I can make all the promises into reality.

Kainis nga eh. Hindi ko alam kung saan patungo yung direction ngayon ng buhay ko kasi nakakalito na ang lahat simula siguro noong mawala ang constant hope ko kay "you know who" at magkawindang windang lahat ng plano ko. Minsan tuloy gusto ko mainggit kay Caloy at kay Bry kasi naunahan na nila ako. Kahit pa andyan na si Jewel Keshia sa buhay namin at mas naging determined na ako apra tuparin ang mga pangarap ko, kahit andyan na si Lorraine para paramdam sa akin na hindi ako nagiisa sa gusto ko mangyari, hindi naman nito madaragdagan ang pera ko para magpuhunan sa maraming susuungin ko bukas sa Manila.

Oo nga pala, bukas Manila nanaman. Heto nanaman ako trying to be in another part and dimension of my world na gagawin ko nang mas malaki sooner or later. Kung ano yung mga dimensions na ito ng mundo ko, siya ring dimensions ng utak ko. ANo kaya ang gagawin ko? Promise nanaman? Nababago lang ang mga tao na pinapangakuan ko pero hindi nagbabago yung promise. Hanggang ngayon andun pa rin ako! Ano ba yan! Sana naman may hope na bukas. Dahil ba ito sa total separation namin at quarrels kaya ganito ako magisip? Very positive pa rin naman dahil sa dami ng nagmamahal, dami ng kaibigan, dami ng pangarap at dahil sa dami ng libangan pero one of these days haharapin ko ito nang masisinsinan at nakaktakot na baka hindi ako makakibo kasi sanay na sanay ako ng may Lara sa lahat ng kilos. Para kay Faye to, Sana alam ni Faye 'to, Kagaya noong kay Faye 'to. Lahat na lang noon Lara Faye, eh paano ngayon? Yung pinaka fundamental make up sira na. Parang walang makina. At noong makita ko siya sa Showtime............. grabe yun parang ang gusto ko hindi matapos yung palabas par akahit sa TV lang... kahit sa TV lang......... pero ganoon pa rin.

She's on the other side. Maybe of the world. Maybe on the other side of my brain lang waiting to be retrieved. Kasi hindi naman talaga nawala. Hindi nalimutan. isinaisangtabi lang.

No comments:

Post a Comment