Saturday, September 25, 2010

Poignant

Time is running [or flying] faster than I expected. Parang sa isang kisap mata lang, pitong taon na kaagad.

Naalala ko pa. Parang kahapon lang lahat nangyari: on this same date, September 25, seven years ago. Gumising ako and the sunrise is very promising. Alam ko noon na magiging maganda ang panahon and everything relative to the school intramurals. Bihis ako noon pagalis sa bahay for the intrams. May band aid pa ako sa pisngi at dala ko ang jersey ni Dan para sa basketball team ng MIDES. At maganda nga lahat ng nangyari noon.

Kaya kong i-detalye lahat pero siyempre kung di naman importante pang sabihin, I’ll go to the highlights na lang. Alam ko noong araw na iyon nagbarker ako sa basketball games at naglaro ang MIDES, SD, at siyempre IJP. Lahat nang nabanggit nagwagi. Maganda ba noon si Lara Faye? Sobra! Hindi man kagaya ng anda niya ngayong mature na ang physique niya, higit siyang maganda compared to anybody during those times.



Mahal ko ba si Lara Faye noon? Mahal na mahal. On that day I promised myself to save forever just so to be with her. I don’t know kung tama pa rin ba ang prinsipyong yun hanggang ngayon. That was the day na sa tingin ko hindi napapantayan ang pagmamahal ko sa kanya kahit anong araw pa ang dumaan. Maaaring may isang lifetime prayer ako na natupad last month pero hindi ko magawang magcelebrate ng todo dahil na rin sa hindi magandang paglalayo naming noong June this year. Lahat ng nag aapear sa buhay ko ngayon parang gustong ipahiwatig na I have to get over with Lara Faye.

Ngayon ko lang pinagdaanan ito grabe. Napaka complicated pala talaga ng love kasi yung feelings para talagang nasa roller coaster. At kapag dumating na sa point na gaya nito, sobrang hirap at sakit talaga. Kailangan mo mag let go nung nakasanayan mo at pati yung mga pangarap mong gumuho kailangan mo ibangon at baguhin .
Ang masakit pa dun, kahit kahit sinasabi ng isip mo na mag move on, hindi talaga kaya ng puso mo. Yun ang mahirap.

Kapapasok lang na news, nanganak na ang hipag ko. That means may bago na akong pamangkin at guess what babae nanaman. Hahaha! Sa araw na ito pa talaga isinilang ano. Kaya pala sobrang ganda ng araw na ito seven years ago dahil sa araw na ito rin pala isisilang ang pamangkin ko.

Masakit isipin na after seven years hindi pa rin kami magkasama ni Faye para i-celebrate ang araw na ito. I could only wish for all the best sa aming dalawa. Siguro isang magandang pagsasama sa kanila ni [ayoko talaga banggitin yung pangalan eh]. At siyempre yung makapasa siya sa nursingb board exams di ba?

Alam niya nahindi magbabago ang lahat ng nararamdaman ko kahit lumipas man lahat ng September 25 sa siglong ito. Pero one day matutupad rin talaga ang lahat. Naniniwala pa rin ako. Maybe in a new world order, duon naka band aid pa rin ako sa pisngi and she’ll be wearing that same red jersey she wore seven years ago. Madaling sabihin yung maraming ibang babae pero nagiisa lang talaga siya!

Kaya siya pa rin hanggang sa may matagpuan akong hihigit sa kanya. Kasi as of now talaga… wala pa!

No comments:

Post a Comment