Monday, September 27, 2010

Epidemic

"They are not diseases but they can kill more people faster than any illness."

Isa sa mga kinatatakot ko sakaling maghanapbuhay at magaral ako sa ibang bansa ay ang ibang klima doon. Nagresearch ako sa internet upang mapatunayan sa sarili kung toto nga bang may mga taong namamatay sa lamig at nagimbal ako sa mga datos na lumabas. Sa Polan pa lamang at Japan, panghihinaan ka na ng loob sa katotohanang mayroon 56 na kaso ng sever winter mortality. Karamihan sa mga kaso ay sa bahagi ng Europa at rUsya. Pero mas matindi ang nangyari s Peru, 100 ang namatay noong January this year.

Hindi lamang ito ang nakakagulat. Naitla rin bilang non health related killer ang road accident. Karamihan dito ay may kinalaman sa vehicle accidents. Ganoon rin ang kaso ng strain bullets. Gaano karami ang namamatay dahil sa ligaw na bala?

Gayunpaman marami rin ang hindi man inatake ng kalikasan, karamdaman, sasakyan, at bala ay intake naman ng kanilang sarili. Hindi lingid sa atin na marami ang namatay dahil sa suicide.

Gaano man kaingat ang tao na magkasakit, mayroon at mayroon pa ring banta ang kapaligiran maging ang sarili para mapatunayang mortal nga ang tao.

No comments:

Post a Comment