Tuesday, January 18, 2011

City Fortress

On My Second Day in Manila Jan 18 2011

Sa isang malaking bunggalong bahay, naninirahan ang iba't ibang pamilya at tao na umuupa sa mga kuwarto. May ilang kuwarto rin sa tagliran sa bandang likuran at saan man tumama ang mata sa pagsipat. Isang mundo sa likod ng makikislap na ilaw ng sansinukubang Manila. Ilan kaya sa mga taong nakaksalubong mong lumakad sa EDSA Ortigas ang may sariling bahay sa Maynila? Ang ilan nakikisiksik sa maliit na kuwarto para makamura. Ang ilan may kasama sa inuupahang apartment upang maka menos sa bayad, tulad ng taxi, kung may kahati ka mas masaya. Ang buhay na magaan sa tingin ng isang Lagunenses na may sariling bahay, sa Maynila ay buhay na mabigat.

Nanganak si Ate Jhuvs ngayong araw. Habang ako nama'y kasama ni Rufino sa dati pa rin naming hang out place sa Manila--ang Robinsons Pioneer. Doon kami namasyal at kumain ng tanghalian at nagkuwentuhan. Doon rin namin nakita si Krystal. Officer ko siya noong high school. Nakaupo siya sa isang benches sa third floor ng Robinsons at naghihintay sa boyfriend niyang nag aaply naman sa Accenture na family BPO ng Robinsons. Ewan ko ba. Ang gaan ng feeling ko na makita ang dating kakilala sa Manila pa. Hindi kasi kami nagkita ni Krystal from that year na maghiwalay kami noong graduation nila. Hindi naman masama ang pinagsamahan namin actually maganda ang samahan namin noon at hindi niya ako pinahihirapan. Ganoon pa rin siya mukhang liberated at open minded. Mabait at mukhang sweet. Bumili ako ng dalawang libro sa National Bookstore at nagkluwentuhan na lang kami pagkatapos. Mahabang kamustahan, dalawang binatang matagal di nagkita. Magkababatang bumuo ng mga pangarap at sabay naging mama. ANg saya kasi ilang buwan na kaming di nagkita. Pasko, bagong taon di namin na-celebrate kaya iba ang saya na makasama ang isang kaibigan. Puno kami ng kuwentuhan tungkol kay Cat. Seryoso talaga siya sa babaeng ito at mukhang si Cath na ang magiging ina ng inaanak ko.

Sa Pasig; magkasama kaming umuwi ni Tita Sonia mula sa hospital. Hinintay lamang naming makita ang baby sa nursery tapos ay umuwi na kami. Hataw naman ako sa pagbabasa ng book na binili ko at sa pagmamaya't maya ng cable. Aba minsan lang yan. ANg mga paboritong American sereis puwede ko mapanuod kasi kami lang din ang tao sa bahay.

Ano Ang Kinalaman Ni Pacman sa Pagkahilig mo sa Football?

Oh ang galing! Lumingon ka nga. Baka kasi may football court na sa kalye niyo. Imposible. Mahirap ang field. Kaya sa tagal ng panahon walang football games sa streets dahil sa hindi ganoon kadali gawin ang football sa isang bansang tulad ng Pilipinas na nagsisiksikan. Sa masikip nating buhay, walang pagasang maitayo ang goal ng football sa kanto ng Arella. Sa Dapitan, makakakita ka ng isnag basketball court na improvised, malapit sa P. Naval. Pero hindi ang isang football field. Ang golf, laro ng mayaman at may mga lote ng lupa kaya nagagawan ng paraan.

Matagal na naming napagkuwentuhan ito ni Rufino. Sa isang mobile jeep noong 1999, naitanong namin sa isa't isa kung bakit nga ba imposible na magkaroon ng street football gaya ng posibleng street basketball league. Adik ang Pilipino sa basketball lalo na noon. Noon nama'y nahihilig sila sa Sepak. Ang mga kaibigan ko naging official team ng school para sa larong iyon. Sabi ko puwede sila sa football kaso walang opportunity.

Noong sumikat si Pacman, natutunan ng mga tao nahindi kailangang gayahin ang laro para mauso ito. Kailangan lang mapanuod ang manlalaro na tinatalo ang taga ibang bansa at instantly suportahan ng media ang manlalaro. Hindi pa rin posible ang maglaro sa kalsada ng football gaya ng boxing na hindi puwede laruin basta basta kahit anong oras. Pero sa pride na binubuhos nila sa Pinoy ngayon, gustong gusto na ng tao ang mga Azkals. Ngayon dumadami na ang gustong magkaroon ng formal training instead of learning it na bara bara lang sa kalye.

Sana maging attitude din ito ng mga Filipino when it come sto driving.

No comments:

Post a Comment