Sunday, January 2, 2011

Sweet Serendipity

HOLIDAYS, VISITS, SURPRISES, AFTERNOON LOVE-WONDERS, and LATE NIGHT DRINKING

Wow! Nagising ako kanina at exactly 9:34 na. Hindi naman ako lasing pero siguro sa sobrang pagod at saya nahimbing ang tulog ko na sobra. Siguro binawi ko lang yung puyat ko noong New Year's Eve.

2010 may not be a very good year dahil sa nangyari noong June 15, pero noon ko din nabili ang isa sa pinakaimportanteng bagay na meron ako. Having said that, sobrang hopeful ako sa pagpasok ng 2011. As in all positive expectations lang ang nagbibigay energy sa akin. And so it was.

Ang ganda ng salubong ng New Year. I have fresh appetites for everything. Given na ang ilang bagay pagdating sa arts pero more than that is the passion to live. Noong umaga pa lang ginawa ko na ang tribute ko to life for 2011. Naka post ito sa blog just right before this entry. Inuman here and there ang nadatnan ko sa umaga paggising at siyempre wala pa ring tigil ang ingay. I was still hoping for the best though there was no sign at all.

Until pagdating ng 2:30 at dumating na si Jopheth after noong huling naming pagsasama sa swimming last August 25, na nasa blog ko rin entitled "Souvenirs" [hanapin na lang sa September entrie], ngayon pa lang kami ulit magkakasama. Kumain lang si Jopheth sa bahay at ayun doon na naisagawa ang maiitim [hindi naman masyado maitim] na balakin. Ang muling paghaharap ang pakikibuno namin sa alak at sa handa ng mesa. Ok na... naka set na. Naligo ako pagalis niya knowing na mamayang gabi magsasama sama kami nila Vicoy para sa inuman. Pero hindi doon natapos ang lahat.

Samantalang kasalukuyan akong naliligo at si Mama ay patuloy sa pagaayos sa kusina, dumating ang magasawang Mr. and Mrs. Kevin Roy Castillo. Sila ang magulang ng inaanak kong si Collin Jhoanica Castillo. Oo. In-invite nanaman ako ni Kevin for a get together dahil tulad ni Jopheth, ngayon lang din kami nagkakita after a very long time mula pa noong May 10 elections. Oh eh di dalawa ang engagements ko for that night. Well, January 01 nga naman.

Pero hindi lang ang mga kumpare ko ang nagpakita sa akin noong hapon. Pinakahuling espesyal na tao na maaari kong makita ang nagpatingkad ng Bagong Taon. The one and only, ang taong pinipilit kong mawala sa sistema ko. Nakita ulit sa parehong pagkakataon gaya noong April 17, 2005; April 22, 2007; at August 30, 2009. Kahapon ang ika-apat, January 01 2011. Sa lugar na iyon ng kabanalan. I met her. Nakdilaw at kasama muli ang pamilya niya. Well,she's not just extraordinary...talagang elegant siya.

Masaya ang gabing hindi namin pinalampas. Para ma-solve ang conflict ko sa dalawang schedule, ginawa ko ang lahat para mapagsama ko sila. Dinala ko muna si Kevin kila Isaac pero ayaw niya at nag-insist siya na sa bahay na lang nila. Pinuntahan namin si Rap-rap at sumama naman. Madami na rin kami kahit papaano'y sumasali ang mga kapatid ni Kevin lalo na si Andrew. Masaya ang kuwentuhan at maganda pa rin si Lara na hindi mawala sa isipan ko noon.

Kaya lang sa dami ng nakain ko sa araw na iyon parang isusuka ko na lahat sa tuwina'ng sasabit ang alak sa lalamunan ko. Ayaw ko sanang palagapsin at kung mamaaring i-extend ang gabi gagawin ko pero may time limit ang Bagong Taon at yun lang talaga eh. Hanggang sa umuwi kami nila Jopheth, wala kang makakakasalubong sa daanan ng Nagcarlan liban sa ginaw ng hangin na animo'y bulong ni Lara at haranang pampatulog. Sa paghihiwalay ng mga landas, banaag ko ang lungkot sa mga mata at ramdam ko sa sarili ang takot sa pangungulila subalit anu-baga't ang mahalaga naman ay pinagbigyan ang isang bagong taon na sa piling nilang mahal ay masimulan ko ng may ngiti, kilig at halakhak.

Looking forward na ako sa malaking bagay na darating this year!

No comments:

Post a Comment