Wednesday, January 19, 2011

Old School

Some Random Thoughts that boggled my mind today;

Sa Harap at Likod ng UE/ 3:11 pm

Umuulan. Tagiktik na patak sa mga kalsadang dinaanan ng sangdamakmak na Carbon Monoxide mula sa lahat ng sasakyan sa lansangan. Pupuntahan ko sana si JS pero nagbawal na ang mga ulap. Daanan ko nanaman ang UE na parang pinalilibutan ko buong araw upang makabalik sa ospital. Ang cute ng baby! Bagong pamangkin. Siguro bagong inspirasyon din para magsumikap.

Lalakarin mo ang daan mula sa hospital patungo sa UST. Doon may mga tindahan ng kung ano ano at mg ainternet shops na naglipana na parang mangga sa kakahuyan. Umaalingasaw ang amoy ng mga bombay na estudyante ng UE na mga nakaputi pero hindi sila maiitim kaya baka Lebanese or Persians sila. Bakit ang dami nila? Araw araw may nakikita akong foreign students na Aryan sa likod ng UE. Hindi naman sila mababaho pero parang may iba silang pabango na hindi nakasanayan ng mga tao sa Pilipinas. Ano kaya sila, foreign exchange students? Well uso naman yun. Kaya lang feel mo ba na habang naglalakad ka sa kalsada ay para kang may mga kasabay na bubuyog kasi hindi mo maintindihan ang pinaguusapan nila. Hindi ako chismoso pero parang wieard naman kung ganoon ang naririnig mo di ba?

Sari-saring tao na ang dumaan habang nagpapatila ako ng ulan sa isang tindahan dito sa EspaƱa. Tiningnan ko ang mga tinda puro CD para sa mga reviewees. May installer ng Adobe Photoshop C3, reviewer sa nursing at engineering at may encyclopedia rin on CD. Galing talaga. Maya-maya pa humina na ang patak ng ulan pero instead of entering UST para makita si JS, minabuti ko na lang umuwi dahil basa na nga ako naka sinelas pa at walang cap. Pangit.

Bakit Pangit ang Boyfriend ng Maganda

Ok... ok ... speaking of pangit. Alam ko minsan dapat talagang kainggitan ang mga tulad ni Enqrique Gil na sunod sunod na ang commercial paano'y halos buong pagkatao'y perfecto na. Pero ang mainggit pa sa isang pangit na lalaking may magandang girlfriend ay parang sukdulan na. Minsan ang sarap daanin sa biro "Alam ko ang pangalan ng babaeng yan...Danaya" kasi mukhang dinaya siya eh at Andaya naman ang apilyido ng lalaki. Pero hindi naman siguro madaya ang lalaki. Hindi niya kasalanan na sagutin siya ng magandang babae. Ewan ko ba... ???

Mas Malibag Sila

Sa tingin ko... mas malibag ang mga taga-Maynila. Hindi naman sa mayabang ako [which is totoo sometimes] pero alam ko kahit paano'y hygenic naman ako. Sa tindi ng usok na tinatamasa nila araw-araw...hindi mo sila puwedeng i-kumpara sa mga tao sa Silang. Noong nagaaral pa ako doon, tatlong beses kami maligo; 5:15 ng umaga, 8:30 ng umaga bago ang klase at 6pm naman pagkatapos ng games at paglilinis. Minsan after magsiyesta, naliligo ulit kami para sa klase ng hapon. Bababa ang timbang mo sa dami ng libag na nawawala sa iyo araw-araw. Pero sa Manila, tipid na tipid ang mga tao sa tubig. Ang ilang lugar ay madalas mawalan kasi share-share lang sa mga tangke ang communities. Ang lupit ano... Kanina lang uhaw na uhaw ako kasi nga kung walang mineral [Yung nakalagay sa galon na kulay blue] huwag ka nang umasang makakalagok ka ng tubig na malinis. Ang tindi talaga.

Sauce Maryosef

Miss ko na ang Nagcarlan. Iniisip ko kung ano-ano ang mga bagay na dapat ko nang kasanayang wala. Ang mga hirap na dapat ay simulan ko nang ituring na normal na bahagi ng pakikisabak sa buhay. Ang lahat ay nasa diskarte ika nga nila. Sanayan lang din ang pagtira sa Maynila. Kung tutuusin, walang ibang lugar na maaari kong simulan ang pagtupad sa pangarap ko kung hindi dito mismo. Kung ayaw mo naman sa Maynila eh di lumipad ka sa America, kung kaya mo. Ito lang talaga. As if may ibang options. Malay mo dito ko rin siya matagpuan. Mas maraming opportunities para maka-meet ng ibang babae. Ang pagunlad nagsisimula talag sa pag take ng ilang risk although not all the time. Pero most of the time. I still need tolearn more lessons about life. About how to live and how to deal with other living beings. Kapagod.

No comments:

Post a Comment