Monday, January 24, 2011

Late Encoding

Actually..... kaaalis lang ni Rene sa bahay. Umuulan ngayon. Ang dami dami dami naming napagkuwentuhan from their computer shop papunta sa bahay namin at habang kumakain kami at hanggang sa nagyosi siya, hanggang sa umuwi na siya. Ngayon pa lang nagsi-sink in sa akin na nasa Laguna na ako and I can rest. Hay... salamat totoo na nga ito. Finally I am home. Manila is soon to be home pero iba pa rin ang Laguna. Sana makasanayan ko rin. Ang puwede lang talagang mamuhay ng masaya at komportable sa Manila ay yung may magarang bahay sa loob ng Villa at subdivision. Or kaya naman ay yung may magarang condo along Pasig and Makati. Kapag paupa-upa ka lang, kawawa ka.

I promised myself na iba-blog ko lahat ng experiences ko sa Manila hanggang sa paguwi ko sa Laguna. Nabigo ako dahil sa sunod sunod na ka hectic-an ng buhay ko. Sobrang nawalan ako ng time kasi hindi ko na halos hawak ang oras ko. Mula sa hospital ng Mary Chiles sa Manila hanggang sa umuwi ako na late na noong Friday [birthday ng idol ko], at hanggang sa makarating na ako ng De La Salle Dasmarinas. Grabe ang buhay... Dati gusto ko ng activities pero nung nagsunod sunod eh mukhang sumuko yata ang patpatin kong katawan ano.

Nagkaroon kasi ako ng ubo at namaos pa. Siguro dahil ito sa mga sumusunod;

1. Maliligo ako sa umaga ng malamig na tubig gayong sa Laguna nagpapainit ako.
2. Sasakay ako sa bus na aircon going to Ortigas from QC.
3. Pagbaba ko alas nueve na ng umaga at lalakarin ko yung ibang buildings na hindi along EDSA, pawis to the max yan.
4. Papasok ako sa isang building kung saan andun yung company na aaplayan ko. Siyempre aircon yun.
5. Lalabas ako sa building at muling maiinitan.
6. Papasok sa mall na imposibleng walang aircon.
7. Paglabas ko sa mall [matapos kumain, magbasa ng libre sa National, maginternet at magwander] umuulan, kaya tatakbo ako pasakay ulit sa isang jeep pauwi.
8. Sa jeep, habang natutuyo ang patak ng ulan sa akin, muli nanamang papawisan dahil siksikan ang mga pasahero.

Kung kanino man mangyari ang mga yan, tiyak na babagsak din ang resistensiya niya. Well, it's too late to apologize for myself. Heto, baka puwede pa ihabol ang experiences ko sa UST at noong mga sumunod na araw.


Ang Magkapatid na Pagala-gala Along UST Campus


Ang hindi matuloy-tuloy na pagkikita namin ni JS ay natupad noong Huwebes. Ang saya saya nga naman kasi alam ko sa sarili ko na isa lang ang gusto kong makita noong araw na iyon at yun ay ang kaibigan kong si JS alias Cher Joi. Kaya naman kahit mukhang akong baluga dahil sa pagbabantay namin sa hospital sa nanganak eh tumuloy ako sa UST, as in sa loob ng UST, para makita siya.

Ang saya namin. Of course, kailangan naming mag-catch up sa loob ng dalawang taon ba namang hindi kami nagkita. Ang galing nga na-sustain namin ang friendship namin kahit sa text at facebook lang. To the max ang kuwentuhan naming astig na astig sa lalim at mga pananaw. As usual abala siya. But that didn't stop us from making up for teh past two years. Naglibot kami around UST campus kahit wala akong visitor's ID. Ang lakas ng loob ko na parang ako ang dean ng isa sa mga colleges. Dinala ako ni JS, saan pa nga ba kundi sa office ng teatro tomasino. At yun na nga, for teh first time, nagkita na kami ni Jiks Torres na matagal ko nang kaibigan sa facebook at ka-chat. Noon lang kami nag-meet finally.

Hindi nagbago si JS sa maraming bagay. Although ngayon hindi kami sa MCdo kumain kung hindi sa KFC. Masaya siyang nagma-masteral sa Philippine Normal University na s atingin ko malapit nang maging abnormal university dahil sa mga kalokohan niya. Masay rin kaming nagkuwentuhan sa isang sidewalk along Morayta at pilit kong inuunawa kung ano ba ang natripan namin at doon kami nagusap kung saan may dumadaang mga tao at sasakyan na dahilan kung bakit hindi namin marinig ang isa't isa. Wala lang masaya lang yata talaga kami! Marami siyang hinihinging tulong sa akin para sa project nila. I guess magkikita pa kami one of these days pero from now, pahinga naman muna please. Uyyy tamad-tamaran....

Malaya sa Kadena

Ganito pala kapag hindi ka na sobra-sobrang commited s aimaginary relationship. Dati kasi ang buhay ko lahat ay tungkol lang kay Lara Faye. Lara Faye dito, Lara Faye doon... kahit galit na ang mga kaibigan ko. Ngayon open ako sa posibilities na makilala ko yung mga nakakasalubong at nakakausap kong single na babae na dati gusto kong iwasan even the mere idea of knowing someone else other than Lara. Siguro ganito nga talaga. Kung ganito nang ganito, malamang magkaroon na ako this year at masaya ako para s asarili ko. Pero teka... oo nga yung sarili ko muna. Kailangan buong buo siya bago ko ibigay kasi napakahirap kung sabay ko pang bubuuin ang sarili ko at ang babaeng maaaring maging _______.

Welcome SM City Calamba

Siyempre ang masayang pagsasama ay nagwawakas. Kahit gaano ko gustong huwag pakawalan ang kapatid ko [hindi sa laman], maghihiwalay kami as if puwede akong matulog sa boarding house nila. Friday, the next day, uwuwi na ako ng Lagua kasabay ni Mama. Nahilo ako sa bus sobra siguro dahil sa pagod at kakulangan sa tulog at sa init noong tanghali. I need to rest sabi ko pagkauwi. At oo nga nagpahinga lang ako upang maya-maya rin ay maligo na. Ang sarap matulog after maligo pero siyempre nagpaantok muna ako while watching television shows.

Umaga ng Sabado, lahat ng nakareserba kong energies inipon ko na upang magampanan ko ang role ko for that day. La Salle naman ang pupuntahan ko. But I won't discuss what had happened there for some reasons. Siguro mas maganda share ko yung experience while going to Dasma.

First time ko makapasok sa loob ng SM City Calamba. Alam na alam mo agad na mas malaki ito sa SM City San Pablo. Mas mukahang madami kang iikutan at mas elegante ang mga stores. Siyempre, first intention ko ang kumain. Tnaghali na nang dumating ako sa Calamba as always traffic sa Los Banos. Ang ganda naman ng sceneries. Sa second floor makikita mo sa dulo ang isang glass window na overlooking sa bundok. Habang nasa loob ka ng isang gusaling urabnisado ay makikita mo ang rural na kalagayan sa labas. Kumain ako sa KFC at naku... doon an angpanting ang tenga ko. Ang bbbbbbbbbaaaaaggggaaalllll. As in ang bagal talaga!!!! Mga 12 minutes akong nakatayo habang hinihintay ang dalawang ugok na nagtutulungan sa iisang order lang. Ang lousy ng KFC SM Calamba I swear. May nahulog na mga pagkain sa tray ng isang customer dahil madulas ang sahig. At ang tray ko nakahandusay sa lamesa at dinadaandaanan lang ng mga waiters. Parang gustong sumigaw ni tray ng "Hoy, tanga, kunin mo ako oh ang sikip kaya ng table!"

Sa itaas ng mall naroon ang sinehan at subukan mo lang magawi doon at huhubarin mo ang damit mo kasi baka malanitan ng amoy ng Pop corn. Umaalingasaw ang amoy ng pop corn sa third floor lalo na sa cinema. Sa pasiklaban pa lang ng bilang ng escalators, talong-talo na ang San Pablo. I have to admit mas prefarable ang Calamba in that case. Improvements na lang ang kulang. Mga 1pm umalis na rin ako kasi kailangan ko pa pumunta on time sa La Salle Dasma to meet sir Steve Collado and teh rest of his team.

9pm na ako dumating sa bahay noong Sabado. At magmula noon, ang gusto ko na lang ay mahiga at kumain.

No comments:

Post a Comment