Wednesday, April 6, 2011

for the sake of summer

April is a month I am eagerly waiting every year. Maraming taong mahalga ang nagdiriwang ng birthday nila ngayong April. Una na sa mg ayan si Je. Birthday ngayon ni Je. Ang sarap alalahanin na noong 2006, limang taon na ang nakalilipas ay grabe ang sayang na-experience namin sa Gregoria as we celebrated his 19th birthday. Suwerte nga ni Je na dahil tapat na summer vacation ang birthday niya ay laging mayroong outing. Actually, halos lahat naman yung apat nila Dacles, Daryl, at Edison ay puro summer ang birthday. Si Edison ay magse-celebrate ng 24th birthday niya sa 9. Bukod pa dun siola Betong, si AA, si Nikki, si Sir Toby, si Ron-Ron, at siyempre si Dan Carlo.

Sa bahay nila Vcoy kami nagluto ng adobo hapon. Mga six ng dapithapon kami dumating Gregoria. Sumunod si Regine dala anmg sound system. may Crema gawa ni Dacles. Dumating ang barkada ng kapatid ni Je. Ang saya. Pati si Ota, dala ang tricycle niya. Swimming, kain, inom, bonding, videoke. Speaking of videoke. Doon ko nakausap ng malaliman si Blaze. Oo nga pala ano. Si Blaze ang dating kakalse ni Faye na parang kamukha niya. Ang saya namin noon. Kumanta kami ni Blaze sa videoke. Suwerte nga at nakasabay namin sila doon. Hindi siya hesitant na kausapin ako. Buong magdamag yata eh si Faye ang pinagusapan namin. Hindi ko maintindihan na parang si Faye na rin ang kausap ko. Basta alam ko masaya ako. Tapos nag one on one kaming magkakaibigan. Seryosong usapan tungkol sa buhay. Parang sharing nga eh. Ang galing.

Noong 2009, isang swimming ulit ang naganap para sa birthday celebration ni Je. Sa Sabang naman kami pumunta. Kumpleto. Si Isaac, si Jophet, si Regine, si Daryl, si Edison, ako. Lahat kami naroon para kay Je. Alam kasi namin na matatagalan na ulit bago maulit ang ganoong eksena na kumpleto kami.

Ngayon birthday nanaman ni Je. Ordinaryong araw para sa mga nagtatrabaho. Sa mga nasa malayo. Ang magagawa na lang namin ay sariwain yung mga panahon na napagbigyan kami. Hindi naman kasi puwedeng magkakakapit na lang kami araw araw at di na maghihiwalay. Kailangan naming lumipad na kami lang. Para yung mga sarili naming mga pangarap ay mabigyang katuparan.

Heto lang naman yun eh. Lilipas rin. Hoping na may panibagong taon para mabawi namin lahat yun. Andyan pa naman kami. Alam ko meron at merong magandang pagkakataon para sa lahat ng kasiyahan. As for now, kailngan hintayin muna ang mga yun. May birthdays pa na darating gaya ng sa mga nabanggit kong tao. Mas mapapasaya pa sa mga susunod na panahon. Alam ko magkakaroon ng vindication sa huli. Malay mo maging masaya ang mismong graduation ni Faye nagaganapin sa 12. Everything, just for the sake of this summer.

No comments:

Post a Comment