Saturday, April 2, 2011

ides of march and graduation march

Isa sa pinakainaabangan kong buwan ang March. This year, 2011, sobrang naging napaka memorable ng March. In as much as I want to remember the good and cheerful happenings alone, hinid maiiwasang matandaan rin ang mga bagay na di maganda.


Me with Joel and Jayson at work


March happen to be a lucky month for me. Personally wise, naging masaya akong simulan ang March sa pagkakaroon ng isang trabaho. Hindi ko alam kung talgang magiging pangmatagalan ang trabahong ito, pero ang sigurado ko ay may bagong experiences at bagong mga aral na matututunan.Nagkaroon ng mga bagong tao sa buhay ngayon. Ang mga nakatatas na administrators at mga kapwa katrabaho o employees.


March 15, naganap ang pinakahinihintay kong araw sa buong taon. Ang birthday ni Lara Faye. Ito ang tinatawag nilang Ides of March kasi nga naman sa araw na iyon ay namatay si Julius Cesar. Naging ordinaryong araw nanaman ang March 15 para s aakin, pero sinikap kong maging espesyal sa paraang alam ko. Natutuwa akong alalahanin na wala namang pangit na nagyari sa araw na iyon, sa akin man o sa ibang taong kakilala ko.

Subalit hindi na mawawaglit sa isipan ng lahat ang naganap sa Japan noong March 11. Nagdulot ang lindol ng takot at pangamba sa lahat ng tao sa buong mundo. Awa para sa mga nakakasaksi sa telebisyon ng naging resulta ng tsunaming tumama sa bansang nabanggit.

Sino rin ang makakalimot sa kabikabilang graduation ceremonies na naganap ngayong taon na ito. Napakaraming kakilala ko at kaibigan mula sa iba't ibang dako ang nagsipagtapos ngayong buwan at ang pinamatunog na pangalan ay sila Benj at Gizelle mula sa UST; sila Daryl at Isaac mula sa mga matatlik kong kaibigan sa Nagcarlan; at ang nakahihigit sa lahat, walang iba kung hindi si Rizzel, ang kapatid ko sa turing.






Photos of the baccalaureate graduates for 2011. From the top; Rizzel, Avengel, Isaac, Daryl and Gizzelle


Nagcelebrate din ng birthday niya noong araw ng graduation ni Rizzel, si Stacy. Ang saya talaga ng March 29, ganoon rin ang March 18...yun ang araw na nakapanood ako muli sa CCP at nakita ko si Ginoong Olivier Ochanine sa unang pagkakataon. Masaya ako sa buwang nagdaan. Halos lahat naging maayos at masaya sa akin.

Kaya nga lang, isang malungkot na pagtatapos para sa sambayanang Pilipino ang iniwan ng buwan ng Marso. Ika tatlumpu ng Marso nang isailalim sa pagbitay ang tatlong kabbayang Pilipino sa China. Sa pamamgitan ng lethal injection, binawi ang buhay ng tatlong nakasuhang Pilipino sa China. Sinubaybayan rin ang laban ng Philippine Azkals na isa sa naging highlight ng buwang ito para sa mga sports enthusiasts.

Noong March 28, dalawang TV series sa Philippine primetime ang nagsimula. Ang "Mula sa Puso" ni Wenn Deramas sa ABS-CBN at ang Captain Barbell ni Richard Gutierrez sa GMA. Pareho ko sanang gustong subaybayan pero dahil sa schedule ng work, wala akong time manood kung minsan. Para sa akin, magandang buwan din ito kila Lauren Young, JM de Guzman, at Enrique Gil na matatagal ring naghintay para sa break na ito. Sa tingin ko karapatdapat naman talaga na bigyan ng break ang tatlo dahil sa kalidad ng acting na pinapakita nila. Ito na ang pagkakataon nila.Kagaya ng naging success ng Mara Clara kahit pa puro baguhan ang mga naging bida, ganoon rin ang mangyayari sa programa ng tatlo. Hindi lang acting ang meron ang tatlong promising artists kung hindi pa ti na rin looks at X factor. Si Richard, mukhang mananatiling stagnant ang rating ng show niya. Hindi na ganoon kaappealing ang superhero stories sa mga Pinoy at mukhang gigibain ng "Mutya" at "Minsan Lang Kita..." back-to-back ang timeslot niya. Very sorry to say that pero kailangan matutunan ni Richard mag reinvent. For the pass 4 years puro ganyan ang ginagawa niya. Yung tipong magliligtas sa mundo. Kialangan niyang mag take ng risk as an actor. Gumanap ng papel na komplikado at hindi isteryotipikal. Kung tutuusin mas kaya ni Richard gampanan ang role ni Jerome sa Green Rose kaya nga lang, nasa maling lugar siya. Mahihina ang directors ng GMA. Ayaw nilang lagyan ng experimental features si Richard. Sayang kasi hindi maipakit aang versatility niya bilang actor. Ang mangyayari niyan, darating ang time na sa environmental documentaries na lang natin siya mapapanuod. Kailangan ng something na iba sa mga magiging palabas ni Richard. Something that people do not expect. Kailangan niyang tandaan na hindi lang mga Grade 1 pupils ang nanonood sa kanya. Kung ayaw niya, thyen mag host na nga lang siya ng "Survivor" at ng "Full Force Nature" sa Sunday primetime.

Nakatutuwang isipin na tapos na agad ang March. Isang maganda at meaningful na buwan na naman ang dumaan. Ngayon April na! Sobrang bilib na ako sa mga Math major at sa mga mabbait na jeepney drivers na marunong magsukli at magbaba sa tamang babaan. Nagiging malinaw na ang mga plano ko lalo na sa pagiipon ng budget. Nagiging matatag ang mga values na pinanghahawakan ko, mga bagay na di ko mai-compromise sa anumang sitwasyon. Sana tuloy tuloy lang ang pagunlad ng sarili ko. Alam ko mas magiging maganda pa ang salubong ng Abril sa akin. Isang summer na huhugot ng pinaka-the-best sa akin. Sa buwang ito rin, magtatapos si Lara Faye sa kolehiyo.

sa lahat ng nagtapos at magtatapos pa lang...

CONGRATULATIONS!!!!

No comments:

Post a Comment