Sunday, April 24, 2011

never thought summer would be this fun

Matatapos na ang April. Napakainit na. Hindi na umuulan pero malamig pa rin sa gabi. Sumapit na yung week ng April na sunud-sunod ang mga important events.

Ngayon ang birthday ni Dan. Naulit ang pagkatapat nito sa Linggo just like noong 2005. Sunday after noong makita ko si Faye sa Liliw. Kasama ko naman si Dan noong umaga ng birthday niya noon. Girlfriend pa niya si Babylyn.

Ngayon, nagkaroon ng mumunting swimming sa may malapit since Linggo. Niyaya rin ako ni Je para sa swimming kasama ang pamilya niya pero hindi na ako nakasama. Definitely a good day. Parang kagaya rin noong 2005.

Naulit naman noong Biyernes ang mga pangyayari noong April 22, 2007. Nakita ko muling personal si Faye although I didn't had the chanc epara ma-greet siya ng congratulations para sa nakaraan niyang graduation. Ang saya noong Biyernes. Yun rin kasi yung celebration ng birthday ni Arvin kaya nandun kami nagkitakita kami nila Avyn at nila Renz. Nakauwi rin si Je kaya medyo nilubos namin yung pagkakataon para sulit naman. Wala nang hihigit pa sa makita ulit si Faye sa kaparehong oras noong 2007. Mga pass 5pm.

Paao nga ba nangyari yun? After naming magkainan kila Arvin, nag decide kami ni Je na puntahan naman si Ronron sa Liliw para makita niya yung computer shop nila. Hindi pa kasi nakikita ni Je ang computer shop na yun mula nang maitayo. Pagdating namin dun namasyal pa kami kasi nga maraming tao, turista at malapit na ang festival doon which will be two days from now.

Sa paglalakad namin nakita ko si Faye sa isang Hotdog stand. Nabili sila kasama niya sila Mey Mey gaya noong 2007. Kaya naman ang April 22 which also happens to be Earth Day ay may espesyal na lugar sa puso ko. Susundan iyon ng April 24 which is today na birthday naman ni Dan at ni AA.

Bukas ang birthday ni Nikki Robas. A very good friend na nakilala ko noong highschool. Classmate ko siya noong summer class, noong second year, at noong fourh year. Napakagaling niyang kumanta at napakabait. Hope one day makapag celebrat ekami ng birthday niya. Wherever she is I can only wish all the best for her.

No comments:

Post a Comment