Tuesday, April 12, 2011

more today than everyday in the past

There is no place I ever want to be right now but adjacent to Lara. Kaninang umaga ginanap ang isa sa pinakamahalagang yugto ng buhay niya. And as usual, wala ako dun! Nakakapagtaka. Hindi ko maintindihan kung paano ko iiwasan o haharapin ang araw na ito na malayo sa kanya. Ayaw ng sarili ko. Ang pangit kasi. Ordinaryo? I know this is going to be just an ordinary day for me. Pero sa sarili ko, gusto ko man lang sanang may magawa para maging espesyal.

Ganito pala talaga ang feeling na malayo sa kanya sa isang importanteng araw. Mas lalo ko tuloy na-appreciate at higit akong naging grateful sa araw na naging mapalad ako na masaksihan yung graduation niya noong 2007. Kung sana ganoon rin ngayon. Ano nga kaya kung ako yung kasama niya? Ako yung nangunguna sa pagiging abala sa celebration. Ano kaya kung ako yung unang makakakita nung report cards niya, graduation photos niya, at iba pang importanteng bagay para sa kanya sa araw na ito? Ano nga kaya kung ako?

Sana ako na lang. Kasi ang hirap nang wala akong lugar sa buhay niya. Hindi ko kasi makita ang sarili na malayo sa kanya. Puro kasama siya. Sana ngayon ako ang may hawak ng camera at kukuha ng mga pictures habang kinukuha niya ang diploma niya or yung pagakyat niya sa stage para kamayan ang mga tao dun. Parang kagaya nung high school graduation niya. Sana ako na lang. Sana ako ang lalaki na nagpapasaya sa kanya.

Had I known na ito ang date para sa event na ito, sana nagawan ko ng paraan habang maaga. Pero kung iisipin, alam ko naman na ngayong taon ang graduation niya, whether I know the date or not, dapat naghanda ako. Bakit naging lax ako? Hindi ko masabing masaya ako. Ang alam ko masaya ako na graduate na siya dahil isa rin yun sa pangarap ko. Ang makita siyang fulfilled. Pero partially, hinid natupad ang buo kong pangarap. Dapat kasi she will enjoy that fulfillment of life with me. Ako yung kulang.

Bakit laging pag kay Lara Faye na, nagpe-fail ako? Bakit hindi ko ma perfect lahat? Bakit hindi kami? Puro bakit na lang. Ganito naman lagi. Mas humahapdi ngayon ang sugat na naiwan ng kahapon. Lalo ko kasing nararamdaman na wala siya at hindi siya akin at may mahal siyang iba. Mas lalong tumitindi ang latay ng pagkakamaling hindi ko sinadya. Alam ko kahit kailan na hindi mali ang magmahal. Lalong hindi mali na mahalin si Faye. Ang mali lang ay ang hindi ko pagiging handa para mahalin siya at ang pagkakataon na humadlang sa aming dalawa para maging isa.

Ang hirap sabihing hinhintay kong malimutan ko siya. Mahal ko siya eh. Paano magiging madali. Ang sarap sanang sabihin na ini-let go ko na siya pero hindi yun ang totoo. Sa tingin mo paano magiging madali lang ang kalimutan yung babae na sa lahat ng alaala ko ay isinama ko na. Nakabaon siya sa puso at damadamin ko. Ang sarap ring sabihin na hindi na ako umaasa. Pero paano mo tatanggalin kahit yung katiting na pagasa na natitira sa akin na baka isang araw, hindi na sila ni Ronel at mauuntog siya at mare-realize na ako lang ang tanging lalaki sa daigdig na mamahalin siya ng ganito? Paano? Kahit gaano kaliit ang pagasa, aasa rin ang puso. HIndi yan mapipigilan ng isip ko gaano man ako katalino. Ang daling sabihin na "Congratulations! Graduate ka na ngayon" pero paano ko ipagdirirwang yun kung hindi man lang ako kasama sa memorya ng buhay niya?

Ganyan kami ni Lara Faye. Isang love team na kapag nanaginip ka lang saka mo makikita. Sa pangarap ka lang puwedeng kiligin. Sa imagination lang kami puwedeng ikasal, mag date, maging couple. Ganyan ang kinahinatnan ng pagmamahal ko na umabot na sa walong taon. Ang malamang pa niyan, kapag nabasa niya ito, ang sasabihin niya, Boring!

No comments:

Post a Comment