Tuesday, April 26, 2011

no gates closed and papers folded

Naitala ngayong araw ang pinakaminit na temperatura sa taong ito [so far], hindi pa naman tapos ang taon kaya asahang mas maiinit pa ang mga susunod na araw. Another momentous date ito ng April as I recall that today 12 years na akong circumcised. Monday morning of April 26 1999. And now is the 12th year.

Ramdam na ramdam ko ang init na yan ng panahon dahil kanina kasi pumunta kami sa San Pablo ni Tare para mag inquire sa mga colleges na puwedeng niyang pasukan. May university nga ba sa San Pablo? Yung LSPU qualifies to be a university ba? Karamihan talaga nasa level pa lang ng colleges. Una naming pinuntahan ang LC. Actually walang nag entertain sa amin dun. Nakapost na kasi lahat ng information na dapat malaman kaya pinitsyuran na lang niya sa cellphone. Mahal pala talaga ang college ngayon kahit hindi ka sa Manila pumasok. Entrance exam pa lang sa LC ay 250 Php na. Paano kung hindi ka puamasa sa exam?

Sumunod naming pinuntahan ang STI. Ang sarap kasi sa office na pinuntahan namin aircon kaya seating pretty kami. Mahal rin at babayaran pa ang uniform at mga libro pero mukhang class talaga ang STI at ramdam na ramdam mo ang pagka private. Napakaayos ng facilities. Ok talaga! Pinuntahan rin namin ang ACLC. Mas mur anag matrikula na aabutin lamang ng mahigit 12 mil. After naming maka inquire sa tatlong colleges na iyon, bumili kami ng ice cream kasi ang init nga talaga. naglakad kami na parang pasyal mode at nakarating kami sa Ultimart kasi alangan namang marating namin ang SM.

So sa Ultimart muna kami nagkuwentuhan para [you know already] magpalamig. Ang ganda na ngayon ng Ultimart parang isnag mini trinoma. Kung aakyat ka, naka escalator ka. Kung bababa ka, hagdan siyempre... akala mo elevator? Sa may sinehan sa third floor may mga benches sa labas na puwedeng upuan ng mga hindi manonood ng sine sa loob. At doon kami naup overlooking the San Pablo streets.

Noong pauwi na kami, dumaan kami sa SPC. Naginquire rin siya doon at kinausap ang secretary ng dean ng computer science. Ok naman doon pero parang hindi yun ang college kung saan niya trip magaral.

Let's not forget to hydrate ourselves. Talagang magsusunod sunod na ang maiinit na araw. Tomorrow is the birthday of Sir Ronald Tubana and the next day after that is Ronron's birthday.

No comments:

Post a Comment