Saturday, April 16, 2011

stories of first birthday and friendship

Dalawang tao na malapit sa akin ang nagse-celebrate ng birthdays nila ngayon. Si Gilbert [24] at si Lester na pamangkin ko [09]. Grabe, April 16 na agad, parang kelan lang eh New Year's Day pa.

Una kong nakaklase si Gilbert noong grade 3 sa elementary. First time kong maging section 2. Masasabi kong yun ang start ng pagiging stable ng social life ko. Permanente ko na kasing naging kaklase ang mga classmates ko noong year na yun. Isa si Gilbert sa pinakamagaling sa classroom lalo na noog grade 6 kami. Alam ko honor namin siya eh. Noong grade 3 lagi kaming naglolokohan habang naghahas kami ng sahig. Minsan yung mga kandila ang ginagamit naming pamapakintab ng sahig. Minsan nagiigib kami sa labas ng mga tubig pandilig ng mga halaman sa harapan ng classroom. Minsan nagaaway kami kasi mapangasar din siya. Hindi ko masasabing best of friend kami noong Grade 3. Wala ako noong pinakamatalik na kaibigan.

Noong grade 4 ako, naging sobrang malapit ako kila Rodrigo at Rufino. Kami ang laging magkakasama noon. Kaklase ko pa rin noon si Gilbert pero mas madalas silang magkasama ni Dan. Hindi ko a noon kaibigan si Dan. Si Dan kasi ang isa sa mapangbully kong ka-klase noong grade 3 kaya medyo hindi kami magka-close noong Grade 4. Bukod pa roon eh malayo sila sa inuupuan ko. Row 1 ako at si Rod. Si Rufino ay Row 2. Sila yata ay Row 3. Pero hindi yun according sa talino. Noong grade 5, nagsimulang maging maganda ang pagkakaibigan namin ni Dan at yun nga dahil best of friends sila ni Gilbert/betong eh naging lagi na kaming magkakasamang tatlo. Hindi ko masasabing sobrang kaibigan ko siya. Kapag kasi wala si Dan hindi kami magkasama ni Betong. Magkasama lang kami kapag kasama rin namin si Dan. Pero just the same, noong Grade 6 isang clique na kami and identified na with one another.

Parehong mahilig sa Sepak Takraw sila Dan at Betong. Pareho silang player nito noong grade 6 kami. Mas mataas kami ni Dan kay Betong. Sa ngayon medyo parang kalbo ang taas ng noo niya kaya lalo itong malaking tingnan pero hindi maitatanggi ang laking gandang lalaki niya sa aming dalawa. May pagkapango ang ilong nito pero hindi pa rin nakababawas sa ganda ng panga niya. Ngayon ay matigyawat rin siya pero noong elementary kami ay napakinis ng maamo niyang mukha. Maagang namatay ang ama ni Betong. Elementary pa lang kami. Magisa silang itinaguyod ng kanilang ina na mayroong pwesto sa palengke ng Nagcarlan. Kahangahanga ang maganda nilang pamilya. May tatak na iniwan ang kuya niya sa Standard. Actually nagkahiwalay nga kami noong matapos ang graduation dahil sa Standard nga siya at ako ay SMA. Masaya akong maging kaklase at kaibigan niya.

Samantala, hindi ko malilimutang birthday celebration ni Lester ang handaan noong first birthday niya na ginanap sa Liliw noong 2003. Yun yung araw ng pagkuha namin ng card sa Saint Mary's noon. Third year ako at in coming fourth year. Hindi ko pa nakikilala si Faye. Wala akong alam na ilang lakad na lang mula sa bahay na yun nila Ate Anna ay ang magiging bahay ng babaeng minamahal ko. Suot ko noon ang bagong T-shirt ko na hard rock cafe kulay apple green. Nakamaong pants ako nang umalis sa bahay at suot ko rin ang piston belt ko. Yun ang ginamit kong belt. Semi kalbo ako noon. May shades din ako na bago kasi nga alam kong mainit pagdating ng tanghali. Natagalan rin ako sa school noon. Siyempre nagkuwentuhan kaming magkakaklase. Miyerkules Santo noon. Kinabukasan Maundy Thursday na. Pero may inuman noon at masaya kami. Maliit pa noon si Tutoy pero ngayon kuya na siya ni Baby Lianne.

I believe this is also a lucky day to me kahit sobrang init. Hindi ko man makasama yung dalawa on their special day eh ok lang naman. I feel good. Sa araw na ito kasi eh climax na ng Festival in here. How many days to go before our annual bonding swimming. Sana mag decide sila na out of town kami. Sana may magagasaos rin para mas masaya.

>/ Happy Saturday.

No comments:

Post a Comment