Thursday, April 14, 2011

thought life would be easier without

As usual, wala pa ring nakaka get over sa event last Tuesday. Being one of the most important date na naganap ngayong taon pero di ko nasaksihan, andun pa rin yung panghihinayang ko. Hindi ko alam kung nasa happy mode pa rin si Lara as she post celebrates her graduation or nasa gitna na siya ng pagkakandaugaga sa paghahanap ng trabaho at pagiging isang tunay na professional.

I thought thrice before posting the letter. Inisip ko na baka di na mahalagang narito pa ito dahil may nagawa na akong entry last Tuesday that will remind me every year of what had happened. Pero on the second thoght, alam ko masarap makita na may letter akong ginawa bilang personal address ko sa kanya. Kahit alam ko na hindi niya mababasa kahit kelan.

My Letter to LFVC on Her Graduation

To My Dearest F_ _ _,

How many time I have dreamt of watching you walk on stage of PICC to receive your awaited diploma? How many times I ever requested heaven to send me to you on that very day. But that didn't happen.

Sa isang sulok ng daigdig hinihintay ko kung ano ang sasabihin mo about your graduation day. Noong high school graduation mo, pinalad ako na makita ka at makadalo kahit alam ng lahat na imposible. Araw rin yun ng Martes. Umiiyak ka habang umaawit ng Alma Mater, tine-treasure yung mga sandali na makaka extend ka ng stay sa Saint Mary's kahit alam mong yun na yun.

Hindi ako nagkamali at sa FEU ka nga nag aral. Naging isang ganap na kolehiyala. Matapos ang apat na taon, heto ka, graduate na. Nagulat nga si Keshia noong makita niya yung graduation photo mo. Sabi niya nakikita ka lang daw niya sa Saint Mary's dati naglalakad as a freshmen sa high school. Yun yung time na binago mo yung buhay ko. Yun yung time na na-in love ako sa iyo. At alam ko ikaw pa rin naman yun. Nagbago lang ang pangangatawan. Nadagdagan lang ang alam. Dumami lang ang karanasan. Dumami lang rin ang nagmamahal. Pero ikaw pa rin yun. Yung little girl na minahal ko. Pareho pa rin ang mga values mo at taong minamahal. Yung batang babae na kasama nila Anika, Chona at Rizzel. Ngayon isa nang alumni ng Tamaraw.

Magtatapos ka sa isnag araw na mahalaga sa akin. April 12 is the day I always cherish. Funny how you added something I will remember when that day comes again next year. Iniisip ko nga noon pa na parang mahalaga talaga ang date na yun pero I don't have a reason. Yun pala sa future yun yung magiging graduation day mo sa college just as March 20 is your high school graduation.

Noong April 12, 2004, magkakasama kami ng mga kaibigan ko na pumunta sa Taytay Falls sa Majayjay. Ang saya saya ko noong araw na yun. Kasama ko sila Kevin, si Ambo, si Bryan, si Pitchie, si Paula at si Macoy. Nag outing kami. Isang mainit na araw. Puno ng alaala sa pagitan naming magkakaibigan. Ikaw lang ang kulang. Kasi sana, noon pa man ay kasama na kita. Yun ang unang pagpunta ko sa lugar na iyon. At ang mga larawan ang nagpapaalala kung gaano kami kasaya noong. Gaano kainit noon. At kung gaano ang lamig ng tubig sa lugar. Wala akong kaalam alam noon na after several years ikaw naman ang magdaragdag ng alaala sa araw na yun. Kaso ako ang kulang sa araw ng pagtatapos mo.

Wala pa sigurong tao na makakaunawa ng nararamdaman ko ngayon. Ang patuloy kong pangangarap ng lahat ng ikabubuti mo sa kabila nang hindi natin pagiging isa. Palaging magkakaroon ng puwang sa puso ko ang mga nagtapos ngayon. Sila Isaac, Daryl, Gizelle, Lee Ann, at Rizzel. Lahat sila ituturing mo na ring ka-batch habang buhay. Sabay-sabay kasi kayong gumradweyt eh. Lahat ng maganda para s abukas ninyong hinihintay ang dalangin ko. Lagi ninyong sinasabi kapag nagtapos kayo na offcially unemployed na kayo. Ayokong tingnan sa ganoon lagos ang buhay. Siguro mas mabuting isipin na sa wakas, ganap na ang karangalan ninyo bilang professionals. Hindi biro ang pinagdaraanan sa kolehiyo kaya naman mas marapat na buuin ang loob para sa diwa ng pagasa at pagsusumigasig.

Nanatili kang pinakamahalagang tao para sa akin. Ayokong mawala ang pagasa mo sa iyong sarili at naniniwala akong malayo rin ang iyong mararating. Ikaw pa rin kahit anong mangyari. Ajko pa rin ito para sa iyo. Matapos man ang lahat... walang magbabago.

Sa iyo ako,
Paul

No comments:

Post a Comment