Thursday, April 7, 2011

let five counts year rounds

Right after the celebration in Gregoria ng birthday ni Je noong 2006, siyempre mga tumba. Naginuman ba naman at nagswimming magdamag, idagdag mo pa ang mga kumanta sa videoke all night long. Kila Isaac muna kami dumeretso para sa pagpapahinga kasi magpa-5 pa lang ng umaga noon. Alam ko tulog kami nila Dacles noon. Sa luma pa nilang bahay yun. Nagmadali rin akong makauwi noon, kasi nga kukuhanin ang card sa SaintMary's at yun lang ang chance na maaari kong makita si Faye for that summer bago ako lumuwas ng Manila.

I've waited until 10 sa may patyo na baka dumaan si Faye. And just the same, kung kelan malapit na akong mawalan ng pag asa na darating siya at makikita eh saka naman siya sumulpot sa harapan ko. Pauwi na ako noon. Nakaputi siya at antalong maong, kasama niya ang mga kaibigan niya sa OLL at si Ley-Ley!!!!

Yun ang isa sa pinakamasayang April 7 ng buhay ko. Although laging maganda ang nagagana sa akin kapag April 7. April 7 kasi ang birthday ng tita ko. Ito rin ang araw na namatay daw ang Lolo ko na Daddy ng Mama ko. Ngayon, ang graduation sa CGMES, at pumunta ako dun kanina para lang sariwai yung ties na kami yung naroon. Halos walang ipinagbago ang school. Ganoon pa rin, pati ang rituals ng graduation. Ngayon ko lang napansin, nakakatamad pala. Pero kung ikaw ang nagraduate, feeling mo yun ang pinaka importanteng event sa history of mankind. Hapon kasi ginawa ang graduation. Ang ilan dun mga anak anak na lang ng dating mga haiskul noong bata pa ako.

After sneaking sa gradaution, tumuloy ako sa ilaya para sana tumambay kila Vcoy. And just as luck would have it on me sa isang masuwerteng April 07, nakasalubong ko sila ALger at Kevin na wala namang pupuntahan kaya inaya ko na lang kila Vcoy. Isinama din namin si Paul Andrew para mas masaya. Wala naman si Vcoy nung pumunta kami kaya tambay na lang muna sa tapat ng bahay nila. Lampas 5 na nang dumating si Vcoy at sa amin na siya naghapunan kasi madami rin kami pinagkuwentuhan. So from sa kanila, nilakad namin hanggang sa amin. Para gutom di ba?

Hindi irn natuloy ang inuman, may ginawa rin kasi sila Alger at sila Paul. In some time, I'll be back working. Hay... siyempre tiring pero sulit. Hope I can still land safely sa job na gusto ko talaga. But for the mean time, I'll stick to what I do best. In 9 days pala, Myx is arriving. Sana we will have a chance to meet each other and catch up for the time na nawala sa amin while we were away from each other.

April 07... you'll always be precious!

No comments:

Post a Comment