Monday, August 30, 2010

Holiday After Holiday Situation

From Feasts to Commemoration

Sa date na ito, dapat lang talaga na mag-Holiday ang buong mundo. I've learned na kung ang isang empleyado ay puamsok sa araw na ito kahit Holiday, meron siyang 200% sa regular na kita. Kung ang suweldo niya ay nagkakahalaga ng Php 420, nangangahulugang may suweldo siya ngayon na Php840. Kung lumampas pa siya sa oras, halimbawa 8 hours lang ang pasok niya at naging 9 hours, meron siyang additional 30%. Ang tindi ano. Ngayon, kung hindi nga siya nag over time pero day off niya ngayon at nagkataong Holiday rin, at pumasok siya, babayaran siya ng kumpanya o ng ahensiya ng ganoon ring amount. 200% plus 30% ang total niya.

____________________________

Nasabi ko na dapat lang talaga kasi, bitin pa ang mga taga-Liliw sa piyesta na naganap kahapon. Bakit nga ba kapag mismong Linggo nagagannap ang mga event, tamad pang pumasok ang tao kapag Lunes. Kaya nga tunay na nakakabilib ang mga tao or empleyado na sa kabila ng pagiging Holiday ng araw na ito ay nagawa pa ring magtrabaho.

Sa araw na ito ipinagdiriwang ko rin ang double memorable events sa aking High school at love life. Noon kasing fourth year highschool ako, sa ganitong date namin ginanap ang culmination ng Linggo ng WIka at second kami sa nagkamit ng award sa Modnik, of course ang nanalo ng first prize ay ang pilot section. Ang saya ng victory party na ginawa namin sa Gregoria Resort.

Sa araw na ito ko rin nakita last year sa may simbahan si Lara Faye after almost months. Ang hirap matulog na alam mong aabot ang isang taon na di siya nakikita. Kaya sobrang saya ko noong makita ko siya sa 5pm mass noon. Hay... alam ko ganoon pa rin siya kaganda.

_______________________________

Mamaya magsisimula ang pinakabagong palabas sa TV ni Richard Gutierrez, ang Survivor Celebrity Showdown. Marami ang magaabang dito at titingnan kung ano ang bagong pakulo ng GMA with this season lalo pa't actors na ang sasalang sa reality show.

Kahapon, natapos ang programa nila Ai Ai de las Alas at Kim Chiu. Pinanood ko talaga no. Kais nga sobrang seksi ng mukha ni Kim, hindi ko maiwasan magkaroon ng erection kapag nakikita ko siya. Ang ganda niya. Hindi ito nag sentro sa love story ni Kim kaya sa ending hindi malinaw kung sino ang pinili ng character niya. Nakasentro ito sa pag destroy ng image of materialistic ambitions. Ang importansiya ng isang payak na pamumuhay na hindi matutumbasan ng halaga ng kayamanan at marangyang buhay. Mahalaga pa rin ay ang peace of mind at ang matulog sa gabi na walang inaagrabyadong tao o nasasaktan.

Sa ginawa ng mga kandidata ng Miss Universe na napanuod ko kagabi habang lasing ang mga taga-Liliw, massasabi ko na matatalino ang mga nakalaban ng Miss Philippines. Maayos nilang nasagot ang mga tanong hindi gaya ng ating pambato. Mostly focused sa mga policy ng government ang topic ng questions. May question about internet use, mayroon ring about capital punishment at meron din about clothing and fashion designs. Ang ganda ni Jesinta Campbel na naging Miss Congeniality.

Hindi ko rin maiwasang mapansin at i-commend ang maganda short clip video ng party Pilipinas kung saan guamnap sa puppy love story sila Julie Ann San Jose at si Elmo Magalona na anak ng pumanaw na si Francis M. Ang ganda ng cinematography at ng sublimity. Ang ganda ng contours of story at ng musical scoring in all fairness. Sana lalo pang galingan ni Elmo kasi tunay namang mana siya sa lahi ng ama.

No comments:

Post a Comment