Thursday, August 26, 2010

Whence All Music Uprgraded

About August and All Concerts

Matatpos na ang buwan ng Agosto at masasabi ko na napakaraming mga naganap na maganda lalo na sa music arena. Una na ang mga concerts na ginawa sa Pilipinas at ibang bansa.

Sa Pilipinas, isa sa mga nagpabilib sa marami ay ang naganap na concert ng Madz sa AFP Theater noong August 18, at 19. Ang naturang concert ay pinamagatang MADZ GOES JESUITS kung saan kinanta ng Philippine Madrigal Singers ang mga awiting pinasikat ng Bukas Palad album na nilikha lahat ng bantog na musikerong heswita na si Manoling Francisco. Thumbs up ang nakararaming musicians sa ginawa ng Madz.

Sa kanyang facebook account isinulat ng tanyag na kompositor at arranger na si John August Pamintuan ang mga sumusunod

" The Madz is a choir of angels. That's all I can say. I may have a new choir of dazzling talents, but I bow to the Madz. They have been, are, and will forever be."

Nangangahulugan lamang ito na napakagaling ng ginawa ng Madz sa nakaraan nitong concert.

Gayundin naman ang ginanap na concert ng Filharmonika at Aiza Seguerra sa Greenbelt Makati noong August 21, Sabado ay umani ng palakpakan at paghanga mula sa mga tagahanga ng musikang classico. Ang concert ay pinamagatang LOVE LIFE Concert. Isa si Raymond Sajor sa mga special guest at marami ang namangha sa ipinakita niyang kahusayan. Sinasabayan ng malamig na boses ni Aiza ang bawat hila ng bow sa mga cellos. Lalong naging romantic ang gabi sa magandang lights design ng stage. Ok na ok ito at masarap ulitin.

Nakakatuwang isipin na magkasunod na gabi lamang ang concert na ito ng Filharmonika at ang huling pagtatanghal ng CATS kung saan naroon ang kapatid ni Gerard na si Leah Salonga. Walang kupas ang pagawit ni Lea ng "Memory" na isa sa pinakakilalang piyesa ng pagtatanghal.

Bukod sa mga nabanggit, napakarami pang inhandang musical at concerts sa buwang ito. Bukod pa rito ang mga awiting inirelease na ng mga recording companies for the month of August na sisikat pa lamang sa susunod na mga buwan.

Nawa'y mahigitan pa sa katapusan ng taon ang lahat ng mga hakbanging ito.

No comments:

Post a Comment