Saturday, August 28, 2010

Hostage Crisis; My Closer Look

"If Gordon is president, this will never happen."

Too late for that statement. Ngayon pa. Ang nakakainis ay ang sobra sobrang pambabastos ng pamahalaan ni Aquino sa mga taga-HongKong. Una ang hindi pagsagot sa tawag ng Chief Executive. Second ang hindi talaga nila pakikipag coordinate sa Hong Kong Government during that 11 hours of hostage drama. Third, Ang paglalagay ng watawat sa kabaong ng hostage taker. Fourth ang hindi agad agad na paghingi ng dispensa ng pangulo at lalo kong ikinaiinis ay ang pagpapalayas sa mga forensic experts sa lugar kung saan naroon ang bus habang suot na nila ang costume nila.

Ano ba naman yung sila na muna ang paunahin dahil siguradong mas maayos ang gagawin nila. After all that transpired sa tingin nila may tiwala pa ang marami sa gagawin ng SOCO?

Malaki ang naging epekto ng insidenteng yaon sa imahe ng mga Pilipino. Mayroon ngang Pilipino sa Hong Kong na kailangan pang sabihing Indonesian siya para lang hindi saktan ng mga galit na galit na Hong Kong citizens.

Bakit walang nagawa ang Pilipinas? Alam ko mayroon dapat nagawa. Hindi ba dapat rin talgang humingi ng sorry ang pangulo hindi lang sa mga taga Hong Kong kundi pati na sa lahat ng Pilipino dahil pumalpak ang mga tao niya?

Kung si Gordon ang nasa posisyon niya, malayong mangyari yun. Ito ang malaking kaibahan ni Gordon kay Noynoy. Wala siya nung EXPERIENCE. Lahat ng yan nadaanan na ni Gordon. Alam na niya ang makipagareglo sa mga Abu Sayaff, sa mga rebelde, sa mga nasa kaliwa. Puno siya ng experience. Unang unang gagawin ni Gordon, kakausapin niya agad ang Chiref Executive ng Hong Kong taliwas sa nangyari na hindi makontak si Noynoy.

Ito po yung hindi naisip ng botante natin noong eleksiyon. Sino yung talagang handa para maging pangulo. Buong buhay ni Gordon ay paghahanda sa pagiging pangulo. Of course, second only to Ninoy. Kaso patay na si Ninoy eh. Hindi handa para maging pangulo si Noynoy dahil namatay lang ang nanay niya kaya siya ginawang standard bearer ng Liberal.

Hindi ko kayang sikmuarain na ang pangulo natin ay magaling lang sa ideya. Puro ideya lang kasi ang kinakain kapag eleksiyon, hindi nila nakita yung mga sinasabi ni Gordon noong kampanya na puro praktikal na bagay. Gaya na lamang nung sinabi niya na kapag naging pangulo siya alam ng lahat ang cellphone number niya. Ngayon nakita natin tama pala yun. Dapat pala alam ng lahat. Ngayon alam natin na hilaw ang naging pangulo at hindi puwede na magaling lang sa salita at puro ideya. Dapt ang pangulo ay sobrang talino. I think si Gordon yun. Dapat may EXPERIENCE.

No comments:

Post a Comment