Wednesday, August 25, 2010

Making Celebrations More Exciting

Each year has its own surprises. Nobody can tell what's gonna happen.

Though malungkot ang bisperas ng piyesta dahil sa hostage taking noong Monday na ipinagluksa hindi lang ng Pilipinas pati na ng mga bansang gaya ng Hong Kong, naging maayos pa rin ang piyesta sa Nagcarlan. Dahil na rin siguro sa nakuha ng Miss Universe ang atensiyon ng tao. Nakakuha kasi ng place ang kandidata ng Pilipinas na si Venus Raj sa kabila ng nangyari.

Ako naman kahit hindi ko napanuod ang Miss Universe, napakasaya ng umaga ko after attending the Pontifical Mass nang 9:30, diretso na kami sa binyagan. That time bininyagan ang anak ni Pareng Alot. Second time ko maging ninong sa anak rin ng high school friend. Una kasi kay Joannica Colleen na anak ni Pareng Kevin.

Sa bahay nag lunch si Tita Paring. Siya lang ang umuwi sa partido ni Mama. Wala ang iba kasi may pasok. Hindi naman national holiday ang piyesta. Sa side ni Papa, si Tito Alex at Kuya Jojo ang dumating. Kasama si Ate Vilma ni Kuya Jojo. Masaya kasi dumating si Pareng Je-r. Pinakilala na niya sa amin nang personal si Cath. Dumating din sila Isaac at Jopet kasama si Joseph, kaibigan niya from Antique. Noong gabi, mahabang inuman ang naganap at dumating sila Gerome at Alger. Masaya talaga ang piyesta kahit naulan.

Ngayon, heto nag swimming kami sa RGO Resort. Napakasaya ng swimming. Bukod sa maraming dalang chicha, may videoke. Mya red wine na inihalo sa The Bar at naroon ang pamilya ni Je. Last bonding time namin bago umuwi sa Manila at sa Iloilo ang mga kaibigan ko.

Ang daming plans for next year. It always turned out kasi na mas masaya lagi ang present year kaysa sa nangyari last years. Pataas ng pataas ang level ng gimmicks. Saan kaya next year. Kailangan ma-surpass niya yung nangyari ngayon.

Ang saya...!!! Pero masakit yata sa katawan pag inom at swimming.

Ang sarap mahiga all day tomorrow.

No comments:

Post a Comment