Friday, August 6, 2010

Once My Messy Day,Twice My Happiness Now

I can’t forget what happened on this day last year. Nagbiyahe kasi ako kahit na gabi dahil sa inis. Ayoko talagang maalala kung bakit ako umalis sa bahay noon. When everything is fine, suddenly masisira pala ang araw ko. Favorite ko pa naman ang August 6 because of the fiest celebrated. Ewan ko ba. Nananahimik na nga lang ako sa bahay pero dumadating pa rin ang gulo. Anyway pass na yun. Hindi ko tuloy na panuod yung second to the last episode sa TV nung Love or Bread.


Kasi nga naman ang saya na eh unexpectedly mapapaailis ako. Ayoko ng mga bagay na wala sa plano. Ayoko talaga ng biglaan. Sa pagkakataong yun inis talaga ako. Pero sabi nga hindi dapat palaging ganoon. Meron at meron talagang taon na kahit yung pinakamasasayang araw dapat ay napupurnada. Before mag six pm umalis ako ng house t sumakay sa jeep. Noon ko pa nakasakay si Daddy Ronald. Ayun hindi ko tuloy na maximize yung dapat ay nagging bonding time naming dahil sa init ng ulo ko. Masaya pa rin dahil nakasama ko isya pero naiinis ako na isiping hindi naman dapat yun ang araw na magkikita kami. Ang pangarap ko sana isang araw na maiti-treat ko siya. Yung mailalabas ko siya magbobonding kami kahit sa Robinsons Lipa lang. Yung makakapaglaro kami sa Time Zone paramihan ng bola na maishu-shoot sa kakaunting oras. Kakain kami, manunuod ng sine na worthwhile, magkukuwentuhan, magkasamang mag lolog-in sa Netopia, at sasakay sa isang SUV na ako ang nagmamaneho at pagaari ko o kung hindi man eh pagamit ng kumpanya. Hindi ba lahat ng anak ganun ang gusto. ANg mailabas ang mga tatay nila. Makapagbonding sila. Hindi lang isang father figure si Sir Tubana sa akin, siya rin ang mentor ko at inspiration to be a better man. Siya lang kasi ang nakita kong deserving sa admiration ng isang gentleman. Sabi nga makikilala mo ang class na lalaki sa kung sino ang ina-idolize niya. Ang galling naman talaga ni sir. Halos napalawig na niya ang kakayahan at kaalaman niya for the past four decades of his life. Sa music, hindi siya matatawaran. A bass soloist, a guitarist… grabe siya mag guitar. In broadcast, yun ang first love niya maging radio host. Sa religious life, wala kang hahanapin sa kanya, his a great man. At imagine he is into taekwondo pa. Sana nga siya talaga ang Daddy ko!


Habang nasa bus ako sa San Pablo iniisip ko kung bakit nagkaganun lahat sa buhay ko. Hindi ko magawa yung pinangarap ko nung fourth year ako para kay sir. Akala ko kailangan ko lang maka graduate para magawa lahat ng yun. Hindi pala. Nakatigil ang bus sa tapat ng San Pablo Medical at dumidilim na nun. May napatak na manaka nakang ulan. At noong nasa Calmba na nga ako, bumuhos na ang nakakakilabot na ulan. Guess what may nameet nanaman ako nang dumating na ako sa Pala Pala. Si Sir Artin Umali, ano ba yan? Bakit? Napahiya nanaman ako kasi nga lahat ng iyon wala naman sa inasahan ko sa raw na iyon. Basang basa ako nang makarating ako sa bahay ni Tita.


Nung sandaling yun, exactly 10:19pm alam ko nakita ko kung sino na yung papawi ng lahat ng kamalasan sa araw na yun. Ang pamangkin ko—si Shaira Mae.

No comments:

Post a Comment