Wednesday, August 11, 2010

Long Month Over Celebration

The month of August being my favorite month of the year, gives me a lot of comfortable ambiance. It is a month of celebrations. Birthdays, fiests, commemorations and many others; all for the month of August. Example na lang diyan ang birthdays nina Kevin [Aug 10], Arvyn [11], Dianne Carlen [27], at Mary Rose [28]. Sa fiestas naman siyempre ang fiesta ng Nagcaarlan at ng Liliw, occasions naman ang Month of the National Language at ang pag alala sa pagkamatay ni Ninoy Aquino [21]. Isama mo pa jan ang mga religious solemnities at fiests tuwing August 15, 22, and the like.

Yesterday is Kevin’s birthday. Naalala ko noong first year highschool, noon yung first na birthday ni Kevin na magkasama kami. Kumain kami sa kanila pagkaawas noong hapon at kasama naming sila Marvin, Jerome at Patrick yata. Mula noon lahat ng yun na kasama niya ay nagging matalik na niyang kaibigan. Kahit na hindi ko naging close yung iba, Masaya ako na lahat ng yun nagging kaibigan ni Kevin at wala ni isa doon ang umiwan sa kanya. Actually halos lahat yun nagging ninong ng anak niya. Si Ton Ton, Si Marvin, at ako lahat naghawak sa binyag ni Coleen. Belated Happy Birthday Kevin!



Ngayon naman birthday ni Arvyn Monteagudo, isa sa pinakamabait na taong nakilala ko sa mundo. Ang sarap na imaging kaibigan niya. Ikino-concsider kong lucky sinoman ang kaibigan niya dahil walang ka ere ere sa pagkatao niya si Avyn. Sobrang appreciative, helpful, benevolent, at sensitive niya sa lahat ng tao sa paligid niya. Sana hindi siya nagbago at hindi magbago. Kung meron man siyang babaguhin siguro yun ay ang mas i-improve pa niya ang positive traits niya. Hindi mo nga daw pagsisisihan ang maging kaibigan ni Arvyn. Happy Birthday Arvyn!

Marami pang na set up ngayong August. Hindi natin inaasahan na ganito parang magiging maganda ang lahat at sana magkaroon nga ng mini reunion ang mga kaibigan ko noong high school. Sa fiesta na darating at sa mga susunod pa, hindi malabo kasi nga napakabilis na mag organize ng reunion thru facebook.

Sino ba naman yung hindi gusting madagdagan ang mga alalala sa nakaraang celebrations? Puro mga nakalipas na birthday parties na lang ang naaalala ko. Simula kasi noong maka graduate kami sa high school eh hindi na nasundan yung mga birthday parties na magkakasama kami. Hope there is more to come. Pero kahit hindi kami nagkakasama, ang pinakamaganda pa rin ay yung naise-celebrate ko sa puso ko yung mga special days na ito. Ako mismo ipinagdiriwang ko ang mga kapanganakan nila sa puso ko kasabay nila. Alam ko isang araw sa mga susunod na taon, magagawa ulit namin lahat nang yun. Mag cecelebrate ulit kami ng birthday ni Kevin at ni Arvyn nang kumpleto at walang inaalala.

To all August Celebrants,

HAPPY BIRTH MONTH!

No comments:

Post a Comment