Thursday, August 5, 2010

They Don't Need To Be Idols

"Fame without even joining the American Idol"

Noong July 17, Nagsimula na ang auditions para sa American Idol 2011. Actually nasa kalagitnaan na ang Audition for this month. May mga rumors, hindi ko alam kung confirmed na na si J. Lo ang isa sa mga bagong judges ng AI. So Steven Tyler, isa rin sa pinagpipilian. Si Harry C. Jr. mukhang papalitan niya yata si Simon Cowell. I don't know pero mukhang mas magiging exciting ang 2011 season matapos makatanggap ng negative ratings ang nakaraang AI Season.

Here are the people who rose to fame without joining the American Idol experience.

JUSTIN BIEBER



Nadiscover ni Scooter Braun si Bieber sa You Tube at siyang naging daan upang magkita sila ni Usher sa Atlanta and later on signed a contract with Island Records. Siya na rin ang naging manager ni Justin which I don't know kung siya pa rin hanggang ngayon.

Sa galing ni Justin Bieber talgang hindi na niya kailangan ang sumali sa AI ano...

JASON DERULO



At the age pa lang of 16 nasulat na ng kanta para sa ilang sikat na Pop singers si Jason. Gusto talaga niya maging isang soloist. Ngayon may single na siyang Ridin Solo. Isa na siya sa tinitilian ng mga kababaihan at ginagaya ng mga negro boys sa America.

Sayaw, kanta, performance, at siguro maging hosting lahat ay kakayanin ni Derulo. Ang ganda ng mixing ng mga kanta niya. He got his own stylings at malayo ang mararating niya sa music world.

KATY PERRY



Ang pagkanta kanta sa simbahan at Christian events ni Katy Perry o Katheryn Elizabeth Hudson sa tunay na buhay ang nagdala sa kanya sa Hollywood. Isinilang noong Oktubre 25 1984, lumaki si Katy sa piling ng pastorna mga magulang at doon niya natutunan ang pagkanta ng mga gospel music.

Sa ngayon ikakasal na si Katy Perry sa isang artista na si Russel Brand. So soon she will be addressed as Mrs. Brand. Nakakatawa na magiging ganyan ka sexy ang image ni Katy knowing na ganoon nga ang family lineage niya. Sabi nga ng mga bakla, Nakakaloka!

Anyway, suwerte na rin dahil hinayaan ni Katy ang mga kalalakihan na mapagpiyestahan ang di maikakailang maganda naman niyang katawan. Pero bukod sa katawan niya bilib ako sa musical talents niya. Ang music niya is hindi masyadong distinct kasi nakakahawig ng mga contemporaries niya pero yung boses niya, shit so beautiful.

LADY GAGA





I don't wanna talk more about Lady Gaga. Alam na natin na aprang sa ibang planeta nanggaling ang nilalang na ito. So pwerful voice, sexy appeal at very inspiring and dancable influence of music. Minsan iniisip ko kung lahat ng kanta na ginawa niya galing lang sa isip niya o pinarinig sa kanya ng anghel. Kasi naman talagang nakakainggit ang galing ni Gaga. Ang galing pa niya mag piano ha, hindi biro.

Siya ang ina idolize ni Greysan Chance eh. Gusti ko ang music niya at tinitingala siya maging ng mga sumali sa American Idol. Kapag nakakaharap siya ng mga ito feeling nila kalevel na ni Gaga sila Madonna sa galing nito.

HEYLEY WILLIAMS



Si Stephanie Meyer ang among all the rest, nagpasikat di hamak kay Heyley Williams. Ilang taon na ring nagpe perform ang Parmore na banda ni Heyley at walang ibang naging daan sa mainstream not until the Twilight Saga came to our consciousness. Ibang klase ang naging pagsikat ng Paramore at front woman nito dahil sa Decode na unang kanta nilang nakilala world wide. Mula noon di na maawat ang pagakyat sa paramount ng industriya ang pangalan ni Heyley

Ngayon nasangkot kamakailan sa isang scandal sa twitter si Heyley na lalong naging daan ng pagsikat nito. I am not anymore interested to see how it looks like. Alam ko typical size lang ang meron siya. What so exciting about that photo is that she is Heyley Williams but other than that, katulad lang iyon ng itsura ng kahit sinong ordinary American gurl of her age and size. Higit na na expose ang galing at flexibility niya sa mga ginawang collaborations lalo na sa "Airplanes" kung saan nakasama niya sa single si B.O.B. at Marshall Matters o Slim Shady. Lumawak na ang market ni Heyley ngayon dahil sa mga updates na ito.

OWL CITY




Si Adam Young ang isa sa mga sensation na gaya i Bieber ay hindi maikakailang proof ng technology and social networking discovery. Matapos niyang ilagay sa My Space ang kanta niya unti unting nakilala si Adam Young at tinaguriang Owl City. Trance at Dance music ang kinahihiligan niya pero lalong lumawak ang audience rate niya sa My Space dahil na rin sa ganda ng mga kanta at viral fame nito sa internet nagawa niyang makakuha at maka sign ng contract with Universal Republic noong 2007. Noon ngang 2009, sumabog na ang kasikatan ni Owl City at kinilala siya bilang one of the wonders of the new decade.

Synthesis

Ano kayang ibig iparating ng mga testimonial ng mga taong ito at buhay nila?

Na ang pagsikat sa American Music scene ay hindi dependent sa pagsali sa American Idol. It is still raw talent that prevails then and now. Nasaan ka man hindi dapat mawalan ng pagasa ang isang musician to be the best that he can be. American Idol is only one avenue. Contacts, gigs, friendship and viewership are also other means. lalo na kung pursigido ka at may galing talaga. Welcome!

No comments:

Post a Comment