Tuesday, May 11, 2010

Concede

I've never admired Senator Manny Villar until today. Just this morning, while we were watching showtime to release a little bit of tensions brought about by long election day, a news break flashed in with Villar delivering a lonely speech before the media. He is accepting his defeat in the presidential run. Ganun din ang ginawa ng iba pang mga presidentiables like Gilbert Teodoro, Eduardo Villanueva at yung bet ko si Richard Gordon. Dapat pala politicians of honor ang title ko ngayon pero tama naman na lahat dapat ng pulitiko ganun. Ngayon, hindi na uso ang "Nadaya ako scheme" kasi automated na. This is the normal scene in America, walang nagko-complain na nadaya. Ngayon lang nangyari ito marahil kasi nga ang bilis ng bilangan pero sa May 31 pa mapo-proklama ang nasabing mga nanalo kasi ayon s aSaligang Batas Artikulo VII, talataan 3; ang kongreso lamang sa pinagsanib nitong kapulungan [ kamara at senado] ang maaaring makapag proklama ng nagwaging pangulo at pangalawang pangulo. Ang tagal pa kasi hindi pa nagbubukas ng sesyon ang kongreso. Ang binilang kasi nila ay yung panahong gugulin sa pagbibilang ng resulta ng halalan na manual hindi automated.

Nagpapakita na ng pagka gentlemen ang ating mga pulitiko, isang sign na may magandang hinaharap ang pulitika sa bansang ito at sana totoo nga. Kasi naman hindi ako mapaniwala ni Legarda na taos sa puso ang ginawa niya kanina. Kung totoong tanggap na niya ng pagkatalo bakit kailangan pa niyang maghain ng mga protesta sa pandaraya eh hindi nga siya nadaya. Natalo siya. Ngayon, si Erap at Perlas na lang ang inaantay na magconcede. Si Mar Roxas, natural hindi muna siya magco-concede kasi ang lapit pa ng laban nila ni Binay. Hindi pa naman nabibilang ang kabuuan ng lahat ng boto. Partial and unofficial lahat ang nakikita natin. Maganda ang automated election natin yun nga lang kailangan pa ayusin yug ibang detalye next election.

No comments:

Post a Comment