Monday, May 31, 2010

Ending My May



I consider every month of my life as blessings. Tuwing start ng buwan gumagawa ako ng communication planning na dapat kung tuparin at matapos at the end of the month. Eksakto para timetable ika nga. Tuwing matatpos naman ang buwan, siyempre nire review ko ang lahat ng mga nangyari at gumagawa ako ng lists nung mga natutunan ko. Nakkatawa nga kasi sinusulat ko pa sa notebooks. Napaka old school talaga ng styles ko. pero ipektib kaya nire recommend ko talaga for everyone to review what happened to them every month.

Sa buwang ito, natutunan ko ang maghintay. Natutunan ko ang makibagay. Naappreciate ko yung mga magagndang bagay sa summer na ito na hindi na maaaring dumating pa ulit. Natutunan ko ring i-treasure yung mga nangyari nung nakaraang taon by realizing that those are actually blessings kasi hindi na sila mauulit. Naranasan ko ring bumoto at isa balot aang nararamdaman ng aking damdamin, naranasan ko ang marinig at pakinggan sa pamamagitan ng isang boto. Ngayong Mayo ko rin natagpuan ang iba't ibang uri ng kagandahan dahil sa mga Santa cruza.

Ang saya nga kasi kanina eh umulan. Naging maganda ang panahon para makatulog ako sa hapon. Napnsin ko lang parang madalas yata mawalan ngayon ng koneksiyon sa kuryente. Kahapon nawalan rin nung hapon. Ang ganda ng Naruto and I am planning to do a note tungkol dito. Truly the best Animated show in ABS. Ang saya ng solo ka sa bahay, although buryong, I have chance to do whatever I want to. At ang pinaka climax of the day ang pagdating nila Alger sa bahay kanina. Ganap na Alas otso ng gabi dumating sila Bikoy, Alger at Jerome Ardez. Sino ang magaakalang pupunta sa bahay ko si Jerome Ardez, wala! Nakakatawang experience kasi hindi ko naman yun nakakausap dati at hindi ko lang akalain na isang araw sa buhay ko darating siya sa bahay ko. Hindi ko naman kasi siya kaibigan pero ang paglipas ng panahon can also open doors to make us versatile and flexible. By that time, narealize ko na yung mga dating values natin, puwede siyang mapalitan habang nag go-grow tayo. Nagiiba kasi yung mga bagay na puwede natin pahalagahan habang lumilipas ang panahon. Sometimes, we really need to let go.

Dala nila ang laptop ni Arjan at nagpatulong si Alger para sa group thesis nila. About Thea's Closet. Kung hindi nangyari ang nangyari kanina, hindi ko malalaman na may ganun palang tindahan sa San Pablo. i don't know, I just did everuything I can to help them and give them tips para sa defense. That was a very nice experience. I will always love to help people especially if I can.

No comments:

Post a Comment