Sunday, May 2, 2010

Risky

There was a problem last night walang kuryente!!!!

Hindi ko napanuod ang Eviction night *grrrrrr....*

Ngayon piyesta na ng Street nila Jophet at hermano siya. Yun ang dahilan bakit siya umuwi. The same thing din naman kila Tita Amor. Umuwi sila para kumuha ng letse plan at ube at ihahanda para sa piyesta.

Last year I was there with the whole family. Pero ang sad thing ako lang ang wala sa piyesta kila Jophet at buong barkada naroon. Ang ginawa nila tinawagan ako at nagkausap kami sa phone na lang.

Minsan pala darating yung point sa buhay mo kelangan mo maging present sa dalawang importanteng okasyon. Sabay sila. Kelangan ka. Pero iisa ka lang at hindi puwedeng hatiin ang sarili mo.

You have to take a risk. Pupunta ka ba o hindi. Ang pinaka masakit ay yung tanong na "Darating ka ba?" Madami nang nagtanong nito. Marami na ang relasyong nabali dahil sa tanong na ito. Marami kasi ang hindi sumipot. Marami ang nagtampo. Good enough hindi nagtampo ang barkada kasi family yun eh. You have to choose between two things that can make you happy. Sometimes it is risky pero dapat makita mo which is greater event and which is lesser happiness.

Hindi ko man nakita yung eviction night. The best thing is I have spent quite time for myself and with the One. Nagkaroon ng minus sa kuryente at mas maaga akong nakatulog with no interruption. Nice di ba? It has been a program of mine for a lifetime to look at everything asa a blessing. I really hope others will also.


Have a nice day...:-)

No comments:

Post a Comment