Wednesday, May 5, 2010

Spokesmen






They were there all along. Nasa TV, kinu-quote sa dyaryo, nababasa sa internet sites. Sila yung nagsasalita in behalf of anyone.

I want to give credits to these people in this page. You see, being a master PR strategist, gustung gusto ko kapag nakakakuha ako ng tips at styles sa mga speakers of this generation. Kaso nga lang napakatypical ng dating ng mga spokes person sa Pilipinas although I commend the way they deal with any nimbus strata sa system of politics in this country.

Unang una na sa listahan si Manong Tany. Oo si Nathaniel Cruz ng PAG-ASA. Hindi ko nga malaman kung noong panahon ng sunod sunod na bagyo eh naliligo pa siya. Sann siya kaya natutulog? Di ba commendable yun? Ang galing ng forecast niya parang sinolid na niya yung pagasa sa mukha niya eh. Hindi mo nga malaman kung siya na ang director ng pagasa pero ok lang. Ang saya naman eh. Hero ang dating niya noong 2009.

Second siyempre ang controversial na mga decisions ng Supreme Court. At sino ang humaharap sa tao kapag kailangang magpaliwanag ng mga justices? Si Atty. Midas Marques. Ok ang paraan niya ng pagdepensa sa SC. Lalo na ngayon ang daming nakakaabot na kaso sa kanila. Actually trabaho ng ilang courts sa baba yun nakarating lang dahil sa mga apela. Ang trabaho lang naman talaga ng Supreme Court ay desisyunan yung magugulong constitutional premises. Ewan kung bakit angdami nang kaso dun. Kailangan lang naman nilang hatulan eh yung mga mandasmus, certiorari, quo warranto at yung proclamation ng suspension ng writ of habeas corpus. Ni isa dito wala silang inaasikaso puro mga galing sa apela.

Third ko sa Comm. Gregorio Larazabal. Don't get me wrong, alam ko si Aty. Jimenes ang spokesperson ng Comelec pero alam ko the whole Philippines will agree pag sinabi ko napaka substantive ng dating at pagpapagod ni Egoy sa Comelec. Sino b aang laging may interview. Man, i think he is very expounding sa mga issues na sinasagot niya. Kapag siya ng nagpapaliwanag sa TV alam ko may future yung election kasi naiintindihan ng tao. OK siya, sana nga kandidato siy apara maiboto siya.

Pang apat ko ang idol ko siyempre. Spokesperson rin siya. Si Richard Kristian Gutierrez, na kailan lang ay hinirang ng NCCA , National Commission for Culture and the Arts bilang kanilang tagapagsalita. Puwede, puwede. Ok lang na si Richard ang naroon kasi sa lahat ng young leading actors siya yung sanay dumepensa sa sarili. Aba ikaw ba naman ang may kaso kabi kabila. Una s apagda-drive niya ng wreckless, pangalawa sa panunutok daw niya ng baril na sinabi ng PEP. I think kaya niya ang panghaharas ng media anumang oras.

Last but not the least, ang suaveng suaveng depensa ni Gilbert Remulla sa billionaire na amo niya at bet for president ng NP. Ok si Remulla, media man kasi at magaling na pulitiko. Hindi siya nalalayo kila Chiz at Darlene Custodio. Sana lang hindi obvious ang pagtatakip niya. But being a spokesperson I think he is deserving to be a publicist.

No comments:

Post a Comment