Friday, May 7, 2010

Share



Last Wednesday, I was in Manila. I had to stay until highnoon so I entered the mall for lunch. Sa KFC ako nagtanghalian and doon ko natutunan ang "Share a Seat Formula" nila. Bakit nga ba tayo lagi natutuwa kumain sa mga fast food na gaya nito? It is because they practice the share a seat formula and I would like to share it to you. Since uso naman talaga ngayon ang salitang share.

Makaktulong rin ito sa mga naguumpisa ng business na may kinalaman sa restaurant or kainan. Well, maybe employees need to be more accommodating nowadays otherwise iiwan talaga ng customer ang business niyo. Customers are becoming more demanding di ba? Totoo yan kaya let's study together the Share a Seat formula.

S--- Smile and Greet

Ito ang unang una mong mapapnsin sa lahat ng nasa KFC, kahit manager ngingitian ka. O ako lang kasi funny ako. Well kung may hindi nangiti siguro parang kasing dalang naman ng uwak yun. Importante sa business ang napapasaya mo ang customer unang meet pa alng. Pagpasok pa lang nila, kailangan maihatid mo na kaagad sa kanila yung aura of pleasantness.

H--- Help the Customer find a table

Napaimportante na hindi mo iiwan ang customer but kailangan tulungan mo sila maghanap ng upuan lalo na kung talagang maramihan ang tao. Gaya nung graduation days, laging ang daming nakain sa North Edsa, kaya naman kailangan talaga na hindi mo hahayaang magkabangga bangga ang customer habang dala ang trey niya.

A--- Approach the nearest seat that is vacant

Una mong hanapin yung table na talagang walang laman, dapat napunasan na yun. Hindi dapat makita na naandun pa yung mumo ng huling kumain kasi baka mawalan ng gana yung susunod.

R--- Request for a seat

Kapag nakita mo yung isang table at may nakaupo tapos may bakante, dapat tanungin mo yung nakaupo kung ok lang na maupo yung customer. Dapat maging gentle ka sa pag tatanong kasi maramingtao ang sagot "May nakupo!" parang galit. Ok lang.

E--- Express Appreciation

Sakaling pumayag ang customer na paupuin yung bagong customer. Dapat naman magpasalamat yung waiter or yung isa sa mga employee.

Let's all share. Bilang custoemr makakatulong tayo kung handa rin tayo magpaupo ng ibang nangangailangan kasi ganun din naman ang expectation natin sa iba.

Enjoy your Meal!

No comments:

Post a Comment