Friday, May 28, 2010

Reasons for New Beginnings



At last! The rain poured out. Exactly by 3:43 in the afternoon, after a long month of waiting for raindrops, finally it comes to pass. Umulan na nga. I was having headaches because of the hot temperature. Lalo na nung Monday, napakainit kasi. Kahit kaninang umaga hindi ko rin malaman ang gagawin. Hindi ako makapagsiyesta dahil sa init. Yun pala uulan na ngayon. Ang sarap malamig. But this is a sign that summer is close to its end. Matatapos na ang tagaraw at parating na ang tagulan. Mas nakakatakot na forecast is that after the El Niño, susundan ito ng La Niña. Another stage of life, another adjustment. Siyempre lahat naman meron nun. Lahat halos ng transitory sa mundo natatapos at napapaltan. Kagaya rin ng activities for summer na kasabay ring magwawakas ng taginit.

If summer is officially ending this June, so is the vacation. Sabay yan. Sa pagpasok ng tagulan ay simula na rin ng classes. Busy na nga ang mga kabataan sa page-enroll eh. Puno na ang mga malls ng tao para sa school supplies. Tunay ngang pasukan na.

Marami ring mga palabas sa TV na para sa mga estudyante ang natapos na ngayong araw kasi nga mawawala na ang audience share nila for those programs. Isa na riyan ang "First Time" na umiikot ang istorya sa mga estudyante sa high school na nagmamahalan. Although pilit ang pagkakatapos, timely naman. Ang daming angle ang iniwan nilang naka hang. Halatang hindi pa dapat matapos ang palabas pero kailangan nang palitan. Naging corny tuloy ang ending. At the end, marami ang magsasabi na kung ginandahan pa ito, siguro bitin talaga. Pero dahil konti na lang din ang nanunuod, hindi halatang bitin.

Sa Sunday, gaganapin na ang parochial grand version ng Santacruzan. This will mark the end of the Flores de Mayo festivity of Filipino culture. Tapos na ang panahon ng mga sagala at paputukan. Closing na ang buwan, at darating na ang balik ordinaryo period. Napakahalaga na lahat may natutunan this vacation. Kasi kung wala, sayang ang lahat ng nagastos at pagstay sa bahay or with families and friends. Hope that everyone enjoyed the Summer days and the Fiestas.

No comments:

Post a Comment